Magiging partner na ng Social Security System (SSS) ang Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa pagpapatupad ng KaSSSangga Collect Program (KCP).
Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan na ng SSS at QMMC para sa programa.
Sa pamamagitan nito, magiging self-employed members na ng SSS ang 200 job order at contract of service workers gayundin ang 1,500 medical professionals.
Sa ilalim ng kasunduan, ang QMMC ay magiging awtorisadong coverage at collection partner ng SSS na kokolekta at magre-remit ng monthly contribution ng mga miyembro sa pamamagitan ng salary-deduction scheme. | ulat ni Rey Ferrer