Simula ngayong araw ipinahinto muna ang Stop-and-Go Left-Turn Scheme sa Tandang Sora East Bound mula Commonwealth Avenue.
Sa abiso ng Pamahlaang Lungsod ng Quezon, kasama ring isasara ang Zipper Lanes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Quezon Avenue.
Ang pagpapahinto sa Stop-and-Go Left-Turn Scheme at pagsasara ng Zipper Lanes ay tatagal hanggang Enero 1, 2024.
Ipinatupad ang nasabing traffic scheme tuwing rush hour mula alas 4 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.
Layunin ng Stop-and-Go Left-Turn Scheme na mabawasan ang volume ng traffic tuwing rush hour sa hapon sa mga papasok ng Visayas Avenue mula Elliptical Road at sa mga gumagamit ng U-turn slot sa tapat ng Shopwise Don Antonio.| ulat ni Rey Ferrer