Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Matandang Balara, QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang sunog ang bumulabog sa mga residente sa isang residential area sa Visayan Hills Barangay Matandang Balara sa Quezon City kaninang umaga.

Sa salaysay ng mga residente, nagsimula ang sunog bago mag-alas-8 ng umaga kaya agad rin silang nagkumahog sa paglikas at pagbitbit ng mga gamit na maaaring maisalba.

Sa inisyal namang ulat ng BFP, iniakyat ang sunog sa ikalawang alarma dakong 8:22 ng umaga.

Pahirapan naman ang pag-apula ng mga tauhan ng BFP at fire volunteers sa sunog dahil sa makipot na daanan papasok sa nasusunog na residential area.

Kaugnay nito, pansamantalang isinara na muna sa mga motorista ang bahagi ng Zuzuaregi Street para magbigay daan sa mga pumapasok na fire truck.

As of 9:26am, idineklara na rin ng BFP na kontrolado ang sunog sa residential area sa Visayan Hills Brgy. Matandang Balara, Quezon City. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us