Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na susuportahan ng Kamara ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makasunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang bansa.
Ang pahayag na ito ni Romualdez ay kasabay ng inorganisang HOR-AFP Fellowship sa pangunguna ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner.
Bukod kay Speaker Romualdez, dumalo rin sa event si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Dito, pinasalamatan ni Speaker Romualdez ang mga miyembro ng AFP sa kanilang ginagawang pagseserbisyo sa bansa.
“On behalf of the members of the House, we would like you all to know, the members of the Armed Forces of the Philippines, particularly you, the generals and the leaders of the AFP, that we stand beside you and we shall be in strong support of you every day of your lives because our President, our commander in chief, has set the policy that you are the priority, the men and women of the Armed Forces of the Philippines (AFP) for all the service and sacrifices you have given to the country. This is the least we can do,” sabi ni Speaker Romualdez.
“(The House) shall be responsive not just in the halls of the Batasan, where we move for approval of your budgets but we want you know that we always stand by you and we want to make ourselves accessible to you so that you know at any given time, your representatives will be with you and we will respect all that you have done for us and we shall uphold all the ideals and values that you cherish particularly in safeguarding the nation,” dagdag pa nito.
Ayon sa lider ng Kamara, nais ng Pangulo na ipaalala sa mga mambabatas na irespeto, kilalanin, at suportahan ang mga miyembro ng AFP.
Tuald naman aniya ng isang golf competition, ipinapakita nito ang kahalagahan ng sportsmanship hindi lamang sa laro kundi maging sa pagpapaunlad ng bansa.
Sinisimbolo rin aniya nito ang samahan ng lehislatura at military.
“This partnership is crucial in navigating complex challenges our nation faces. Together, we can chart a course towards peace, security and prosperity,” sabi nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes