Pinasasagot na ng Supreme Court si Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio kaugnay sa petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng kanyang P125 million na confidential at intelligence fund.
Sa En Banc session ng Korte Suprema, nagpalabas ito ng notice para sa Bise Presidente at inutusan siya na sagutin ang nasabing petisyon.
November 14 pa ang naturang notice ngunit ngayon lamang inilabas sa publiko ang naturang kautusan.
Mayroong 10 araw ang Pangalawang Pangulo para sagutin ang petisyon na inihain ng grupo ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.
Kasama ni Carpio sa petitioners sina dating Finance Undersecretary Cielo Magno, dating Vice President Spokesman Atty. Barry Gutierrez at apat na iba pa.
Nais nila na magkaroon ng malinaw na depinisyon sa confidential at intelligence fund dahil wala daw batas ang nag-oobliga para sa audit nito. | ulat ni Michael Rogas