Suspek sa pagpapakalat ng sex video, arestado ng ACG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang lalaki na inireklamo sa pagpapakalat ng sexually-explicit video ng complaint sa kanyang ka-trabaho.

Kinilala ni ACG Cyber Response Unit Chief Police Colonel Jay Guillermo ang suspek na si John Paul Mendoza alyas Jaypee, 28, residente ng Pinagbuhatan, Pasig City.

Naaresto ang suspek kahapon sa Monaco Street, Rosario, Pasig City sa ikinasang entrapment operation ng Eastern District Anti Cybercrime Team (EDACT) na pinamunuan ni Assistant Team Leader Police Lieutenant Bryan James Taguinod.

Base sa reklamo ng biktima, binantaan umano siya ng suspek na patuloy na ikakalat ang kanyang maselang video kung hindi siya papayag na makipagtalik.

Ang arestadong suspek ay dinala sa EDACT office para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism), RA 9262 (Violence Against Women and their Children), Article 282 (Grave Threat), at Article 286 (Grave Coercion), lahat kaugnay ng RA 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012.” | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us