Pinuri ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa kanilang pagpapalaya ng libo-libong barangay mula sa impluwensya ng mga komunista mula nang itinatag ang grupo.
Ang mensahe ng Pangulo ay binasa ni Special Assistant to the President Secretary Antonio Ernesto Lagdameo Jr. sa pagdiriwang ng ika-5 anibersaryo ng NTF-ELCAC sa Camp Aguinaldo nitong Lunes.
Dito’y kinilala ng Pangulo ang malaking kontribusyon ng 41 indibidwal, ahensya ng gobyerno, at civic groups na pinagkalooban ng NTF-ELCAC ng “Gawad Parangal Award” sa naturang okasyon.
Sinabi ng Pangulo na pinapalakpakan niya ang mahalagang papel at pagsisikap ng mga awardee sa pagsulong ng pangmatagalang kapayapaan, pagkakaisa, at pag-unlad sa mga rehiyong dating sinalanta ng armadong pakikibaka.
Ayon sa Pangulo, ang pagsisikap ng mga awardee ay hindi lang nakatulong sa tagumpay ng NTF-ELCAC sa pagkamit ng kanilang layunin, kundi positibong naka-apekto sa napakaraming buhay sa bansa.
Kabilang sa mga awardee:
Region I
1. Provincial Government of Ilocos Sur
2. Dr. Shiela Marie Primicias
Region II
1. Local Government Unit of Maddela, Quirino
2. Hon. Manuel Mamba
3. Hon. Dakila Carlo Cua
Region IV-A
1. Quezon Provincial Government
2. 85th Infantry Battalion
Region IV-B
1. Kapatiran ng mga Dating Rebelde sa Palawan (KADRE-Palawan)
2. Jerwin “Ka Berting” Castigador
3. Marine Battalion Landing Team-3
Region VI
1. Governor Eugenio Jose Lacson
2. Juan Jovian Ingeniero, CESO IV
3. Prosec. Flosemer Chris Gonzales
Region VII
1. Knights of Rizal
2. 302nd Brigade, Philippine Army
3. City Government of Guihulngan
Region VIlI
1. Ms. Alma Gabin
2. Samar Peacebuilder Groups (PBGs)
3. Police Regional Office 8
Region IX
1. Provincial Local Government Unit of Zamboanga del Sur (PLGU-ZDS)
2. MGen Leonel Nicolas PA
3. Maximino Son Jr.
Region X
1. Philippine Information Agency – Region X
2. Dir. Mylah Faye Aurora Cariño, CESO III
3. Dr. Catherine Roween Almaden, PhD
Region XI
1. Police Regional Office XI
2. 10th Infantry Division, Philippine Army
Region XII
1. Local Government Unit of Alabel, Sarangani
2. Mayor Vic Paul Salarda
3. Rafael Abrogar II
CAR
1. Governor Elias Bulut, Jr.
2. Philippine Information Agency – CAR (PIA-CAR)
3. Provincial Government of Kalinga ( CAR )
4. Mayor Benjamin Magalong ( CAR )
NCR
1. NICA-NCR
2. Punong Barangay Venancio Santidad
3. Mr. Gabriel Aranzamendez
4. D. Edgard Cabangon
BARMM
1. Provincial Government of Sulu
2. Ferdinand Cabrera
3. United Nations Development Program
| ulat ni Leo Sarne