Taktak Pinoy Bill, pasado na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pamamagitan ng 251 affirmative votes ay tuluyang nang pumasa sa Kamara ang Tatak Pinoy [Proudly Filipino] Act,” na isa sa priority legislation ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Sa pamamagitan ng panukalang ito ay maisusulong ang mga Philippine-made products, goods, at services sa buong mundo.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, isa sa principal author ng panukala, paiigtingin nito ang kolaborasyon sa pagitan ng private sector at palalakasin ang competitiveness ng ating local enterprise.

“We focus strongly on our Filipino workers’ skills, creativity, and innovation. This legislation aims to support local enterprises and ensure inclusive economic growth that reaches all corners of our nation, benefiting the urban poor, subsistence farmers, indigenous communities, and our micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs),” diin ni Romuldez.

Sa ilalim ng panukalang ito, babalangkas nang planong Tatak Pinoy Strategy (TPS) para sa bansa para mapalawak ang produktibong kakayahan ng mga lokal na negosyo.

Nakapaloob din sa panukala ang pagtatatag ng isang Tatak Pinoy Council na siyang bubuo at magpapatupad sa TPS.

Para masiguro ang epektibong implimentasyon ng TPS ay sasailalim ito sa taunang review ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Ang TPS ay binubuo ng limang pillar, ito ang workforce, infrastructure, technology and innovation, investments, at public fiscal management and government procurement. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us