Pinag-iingat ng tanggapan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo ang publiko mula sa naglipanang advertisement online na ginagamit ang litrato ng mambabatas para makapanghikayat ng costumer o subscribers.
Mayroon kasing kumakalat online na sponsored content para sa kompanyang ‘Survey Simulator’ at ‘Joint Savings’ gamit ang larawan ng mambabatas.
Ayon sa tanggapan ni Arroyo ang mga false advertisement na ito ay pawang mga scam at ginagamit lamang ang dating pangulo para linlangin ang publiko.
Pagbibigay-diin ng opisina ng Pampanga solon na walang kaugnayan ang kongresista sa anomang financial website o advertisement. | ulat ni Merry Ann Bastasa