Territorial Defense sa Mindanao, tinalakay ng US Marine Forces Special Operations Command at WestMinCom

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumisita sa Western Mindanao Command (WestMinCom) ang Commander ng US Marine Special Operations Command (MARSOC) na si Major General Matthew Trollinger.

Siya’y malugod na tinanggap ni WestMinCom Commander Lieutenant General William Gonzales at Unified Command Staff sa Camp Navarro, Calarian, Zamboanga City nitong Linggo.

Sinabi ni Lt. Gen. Gonzales na ang pagbisita ng Amerikanong opisyal ay magandang pagkakataon para mapahusay ang relasyon ng magkaalyadong bansa.

Sa pagpupulong ni Lt. Gen. Gonzales at Maj. Gen. Trollinger, natalakay ang mga “best practices” sa pagpapatupad ng Territorial Defense Operations sa katimugan ng bansa.

Ang The Marine Forces Special Operations Command ay bahagi ng United States Special Operations Command (SOCOM), na eksperto sa direct action, special reconnaissance, at foreign internal defense. | ulat ni Leo Sarne

📸: WestMinCom

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us