Nakapagtala ng pinakamataa na approval rating ang Technical Education Skills Development Authority (TESDA) sa survey ng Publicus Asia.
Base sa isinagawang survey ng Publicus Asia mula November 29 hangang December 4, nakapagtala ang TESDA ng 77% na approval rating at nasa 61% na trust rating.
Sinegundahan naman ito ng Armed Forces of The Philippines na nakapagtala ng 72% approval rating at 59% trust rating.
Samantala, pasok naman sa top 10 ang Department of Science and Technology (DOST) na may 69%; Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na may 68%; Commission on Higher Education (CHED) 67%; Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may 66%; Department of Education at Department of Health na may parehong 64%; Civil Service Commission at 63%; at ang Department of Foreign Affairs na may 61%.
Ayon kay TESDA Secretary Suharto Mangudadatu, agpasalamat sila sa naging resulta sa pagiging top agency na may mataas na approval rating at nangako ng mas pag-iibayuhin pa nila ang kanilang trabaho na maghatid ng dekalidad na techvoc courses sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio