The Immaculate Conception Cathedral of Cubao, dinagsa ng mga deboto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maagang binisita ng mga Katoliko ang Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City para dumalo sa misa bilang bahagi ng Kapistahan ng Immaculate Conception ngayong araw, December 8.

Alas-6 ng umaga nagsimula ang misa rito na pinangunahan ni Fr. Edril Dayrit.

Sa kanyang homily, sinabi ni Fr. Dayrit na nasa ilalim ngayon ng maka-inang pagmamahal ang buong bansa dahil kay Maria.

Sumasalamin din aniya ang debosyon ng isang tao kay Maria sa kanyang pakikitungo sa sarili niyang ina.

Mamayang alas-11 naman ng umaga nakatakdang pangunahan ni Most. Rev. Bishop Honesto Ongtioco, D.D. ang misa para sa ika-73 kapistahan.

Habang mamayang alas-4 naman ng hapon ay ang motorcade procession tampok ang imahen ng Immaculada Conception.

Ang Immaculada Conception ay doktrina ng Simbahang Katoliko, bahagi ng apat na Marian dogmas na tumutukoy sa paniniwala na iningatan ng Panginoong Diyos si Maria upang hindi mahawa ng orihinal na kasalanan, kaya mula nang ito ay ipinaglihi noong siya ay nasa sinapupunan pa lamang ay wala na itong bahid na orihinal na kasalanan dahil siya ang magiging ina at magdadala sa Mesiyas na si Hesus.

Dito sa Immaculate Conception Cathedral, nauna na ring nagkaroon ng novena mass bilang bahagi ng kapistahan.

Ang December 8 ay isa sa ‘Day of Obligation’ para sa mga Pilipinong Katoliko para magtungo sa simbahan. Hindi bilang dito ang online o livestreaming mass.

At idineklara rin bilang Special Non-Working Holiday noong 2017 alinsunod sa Republic Act No. 10966. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us