Tinuturong mastermind sa panloloob sa isang jewelry store sa Cebu, kabilang sa mga nakapasa sa Bar Exams

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabilang sa nakapasa sa 2023 Bar Examinations ang itinuturong mastermind sa panloloob sa isang jewelry store sa lungsod ng Cebu noong Nobyembre 25.

Sa ipinalabas na listahan ng mga nakapasa sa Bar Exams , isa si Jigger Geverola dito.

Si Geverola ay kasalukuyang nasa  kustodiya ng Cebu City Police Office matapos itong hulihin ng mgha kapulisan noong Nobyrembre 28 nang ikinanta ito ng mga una ng nadakip na mga suspek bilang mastermind sa nangyaring robbery incident.

Una ng ,sinabi ni Cebu City Police Office Director Police Col. Ireneo Dalogdog na base sa extra judicial confession nina Dann Carlo Flores at Jordan Baquiano na si Geverola ang nag-utos sa kanila na dalhin sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Arago ang sasakyang ginamit na getaway vehicle ng mga suspek.

Base rin sa nakuhang impormasyon ng pulisya , si Geverola ay naharap na sa iba’t ibang kaso noon katulad ng murder, attempted murder at arson kung saan nakulong ito sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center.

Ayon pa kay Dalogdog na inilarawan rin si Geverola ng mga militar na isa sa mga opisyal ng Communist in Central Visayas Regional Party Committee. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu

Photos: Arnold Bustamante

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us