Nagdeklara na ng suspensyon sa trabaho sa gobyerno at klase, sa lahat ng lebel ang lokal na pamahalaan ng Panabo City, Davao del Norte bukas, Disyembre 18, 2023 bunsod ng Tropical Depression Kabayan.
Sa inilabas na advisory ni Panabo City Mayor Jose E.Relampagos ngayong gabi, ang nasabing temporaryong ay kasunod ng pagkasali ng lalawigan sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.
Bilang paghahanda, nasa Blue Alert Status ang Emergency Operations Center ng lungsod at patuloy sa nasabing bagyo.
Nanawagan naman ang alkalde sa lahat ng mga residente ng.lungsod na maging alerto at handa sa anumang epekto ng sama ng panahon.| ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao