Tuluyan nang ipinasara ng Department of Migrant Workers ang operasyon ng Match Trend Training Assessment Center sa 145 Biak na Bato St sa Quezon City.
Mismong si DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac ang nanguna sa pagpasara sa Macth Trends.
Sinabi ni Cacdac iligal na nag aalok ng trabahong caretakers at factory workers papuntang Taiwan ang Match Trend.
Aniya, hindi accredited agency ng DMW ang Match Trend at walang lehitimong job orders.
Personal na ininspeksyon ni Cacdac ang pasilidad ng Match Trend at ikinalungkot nito na makita ang hindi magandang kalagayan ng mga residenteng trainees na napilitang tumira dito. | ulat ni Rey Ferrer