Tagumpay na naisagawa kahapon ang kauna-unahang turn-over ng mga housing unit ng Ministry of Human Settlements and Development o MHSD sa Sulu.
Tig 50 housing unit ang naiturn over ng MHSD Sulu sa barangay Tubig Dakulah at Langpas sa bayan ng Indanan sa magkasunod na aktibidad kahapon na nakalaan sa mga pamilya ng mga MNLF.
Pinangunahan ni Minister Atty. Hamid Aminoddin Bara ng MHSD BARMM ang aktibidad kasama ang iba pang opisyal ng MHSD BARMM at Sulu.
Pagbabahagi ni Minister Bara, P650,000 hanggang P800,000 ang pondo para sa isang housing unit, mas mataas ito kung ikukumpara sa kanilang pondo sa mainland BARMM dala ng presyo ng mga materyales.
Ang resettlement project na ito ay nailaan sa mga pamilya ng mga MNLF Martyrs, meron sila aniyang proseso ng profiling sa mga naiwang mga kamaganak.
Pagtitiyak nito sa mga hindi pa naaabot ng programa na marami pang housing project ang kanilang ilulunsad sa lalawigan.
Nakiisa din sa programa si Mayor Hermot D. Jikiri ng Indanan at Deputy Minister Albakil Jikiri at mga Punong Barangay sa naturang bayan. | ulat ni Eloiza Mohammad | RP1 Jolo