Umano’y pagtutol ng ilang senior officers sa term extension ni Gen. Acorda, pinabulaanan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) ang ulat na mayroon umanong ilang senior officers na umalma sa pagpapalawig ng termino ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na nakaharap pa ni General Acorda nitong December 4 ang mga senior officers at maganda ang kanilang pag-uusap.

Sa katunayan, nagpasalamat pa aniya si Gen. Acorda sa mga ito sa kanilang suporta sa kanyang liderato.

Binigyang-diin ni Fajardo na nauunawan at nirerespeto ng mga opisyal ang prerogative ng Pangulo na i-extend ang panunungkulan ni Gen. Acorda, na orihinal na nakatakdang magretiro noong Disyembre 3.

Dagdag ni Fajardo, inaprubahan ng Presidente ang pagpapalawig ng termino ni Acorda dahil sa kanyang natatanging serbisyo sa pamumuno ng PNP. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us