Nanawagan si ANAKALUSUGAN Party-list Rep. Ray Reyes para baliktarin ang vaccine demonization o yung pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa pagbabakuna.
Ayon sa mambabatas, matapos ang COVID-19 pandemic ay nagkaroon ng pagbaba sa vaccination rate ng bansa.
Katunayan noong 2022, ayon aniya sa datos ng Department of Health (DOH) nasa 72% lang ang vaccination rate para sa mga kabataan…malayo sa target na 95 percent.
Sa isa rin aniyang symposium patungkol sa pagbabakuna na kanilang dinaluhan, lumalabas na nagkaroon muli ng pagtaas sa kaso ng measles at polio, na kapwa vaccine preventable disease.
Kamakailan lamang din aniya nang mapaulat ang pagtaas sa kaso ng flu-like symptoms at ‘walking pneumonia’ na bagamat hindi pa naman maituturing na public health concern ay isang bagay na maaaring maiwasan kung mababakunahan.
Para sa mambabatas, nasa kamay ng Kongreso na tumulong para maitama ang misinformation laban sa pagbabakuna.
Panahon na rin aniya na muling buksan ang diyalogo patungkol sa vaccination at imbitahan ang mga eksperto sa medical at scientific field para dito.
“Misinformation has been a thorn in our side for years, and this is what we must fight against. Not only in the field of vaccination or medical arts and sciences, but even in the general discussions of society.
Years of damage must be undone, and we are in a unique position to do it. Dear colleagues let us open the thoughtful and respectful discussion once again. Let’s invite medical and scientific experts. Let us steer our policy towards peer reviewed evidence based material. We have medical and scientific champions, we have credible members of society, and we have the media; all of whom are willing to help in creating a healthier nation.” dagdag ng mambabatas | ulat ni Kathleen Forbes