Tinapos na ng Valenzuela City government ang limang araw na pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa mga Lolo at Lola.
Sa abiso ng LGU, lahat ng senior citizens na hindi nakakuha ng gift packs mula day 1- 5 ay maaari pa rin nilang makuha sa Disyembre 29, 2023.
Nagtalaga ng limang venue ang LGU na maaring makuha ang unclaimed Pamaskong Handog para kay Lolo at Lola.
Kabilang dito ang City Social Welfare and Development Office sa Valenzuela City Hall, Ugong 3S Center, General T. De Leon 3S Center, Marulas 3S Day Care Center at Punturin 3S Center.
Bukas ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ang mga venue, lunes hanggang biyernes.
Ngayong taon target na mabigyan ng Christmas package gift pack ang 67,061 senior citizens sa buong lungsod ng Valenzuela.
Taun-taon nang ginagawa ng pamahalaang lungsod ang tradisyon na pamamahagi ng pamaskong handog para sa mga lolo at lola. | ulat ni Rey Ferrer