Isinagawa ng kinatawan mula sa Simbahan ng Quiapo, Manila Police District Command at iba pang ahensiyang pampamahalaan ang isang walkthrough bilang paghahanda sa muling pagsasagawa ng Traslacion sa susunod na taon.
At kahit sinalubong ng mahinang pag-ulan, patuloy pa rin nakilahok ang mga miyembro ng komunidad, kabilang na ang Hijos del Nazareno sa isinagawang walkthrough na nagsimula sa Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.
Layunin ng walkthrough na mapanatili ang kaligtasan ng mga deboto na inaasahang makikiisa sa prusisyon ng Traslacion sa Enero 9, 2024, sa pagsasalaysay ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.
Nagbigay din escort service ang MMDA sa isinagawang walkthrough kaninang umaga.
Matatandaan na tatlong taong hindi isinagawa ng Simbahan ang tradisyunal na Traslacion dahil na sa pandemyang sanhi ng COVID-19.| ulat ni EJ Lazaro