Nananawagan si DILG Secretary Benhur Abalos sa Sangguniang Kabataan leaders na maging aktibo sa paglaban sa illegal drugs, malnutrition at iba pang sakit ng lipunan na kinakaharap ng bansa.
Ginawa ni Abalos ang pahayag sa ginanap na National Youth Convention 2023 sa Baguio City na dinaluhan ng mga SK Federation President at Philippine Military Academy cadets.
Hinikayat ng DILG chief ang mga SK leaders na isama at unahin ang kanilang mga Local Youth Development Plans, mga programa, proyekto, at aktibidad na makakatulong sa isinusulong na BIDA program ng DILG.
Dapat bigyan din ng kahalagahan ng mga SK officials ang pagsuporta sa HIV/AIDS local coordinating councils gayundin ang nutrition programs.
Hinamon sila ng DILG Chief na isapuso ang kanilang responsibilidad bilang mga lider ng susunod na henerasyon. | ulat ni Rey Ferrer