Umaasa ang PNP na walang magiging insidente ng stray bullet hanggang sa pagsapit ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon.
Ayon kay Fajardo, hanggang kahapon ay wala pang naiuulat na biktima ng stray bullet nitong holiday season.
Gayunman, inulat ni Fajardo na nasa 63 na isidente na ang naitala ng PNP kaugnay ng kanilang Oplan Ligtas Paskuhan 2023.
Kinabibilangan ito ng mga insidente ng ‘illegal discharge of firearms’, ‘illegal possession and sale of firecracker’, mga napinsala sa paputok at sunog dahil sa paputok.
Dito’y, 18 perpetrator ang natukoy, 5 baril ang nakumpiska, 18 ang nasugatan at 2 ang namatay. | ulat ni Leo Sarne