“Zero Waste Pasko”, ipinanawagan ng Ecowaste Coalition sa mamamayan ngayong Christmas Season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ng environmental group na Ecowaste Coalition ang publiko na gawing kapaki-pakinabang ang mga waste material ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Inilunsad ngayong araw ng grupo ang “Zero Waste Pasko” campaign sa Our Lady of Perpetual Help Church,sa Project 8, Quezon City.

Ayon kay Ecowaste Campaigner Ochie Tolentino, maaari umanong ipagdiwang ang pasko na nagtatampok ng iba’t ibang Christmas decoration na gawa sa scrap materials.

Anumang bagay tulad ng recyclables materials ay maaaring gamiting dekorasyon ,sa halip na itapon ay gawin itong mapakinabangan.

Nagbigay din ng payo ang environmental group na dapat iwasan ang maraming basura sa bahay,gumawa ng checklist bago mamili, gumamit ng reusable bag at mas bentahe kung mga lokal na produkto ang bibilhin.

Mas maganda umanong ipagdiwang ang Pasko sa makakalikasang paraan bilang regalo sa Poong Maykapal. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us