₱5-M halaga ng water refilling station building, itinayo ng DPWH sa bayan ng Tungawan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinayò ng DPWH-Zamboanga Sibugay 2nd District Engineering Office ang isang bagong water refilling station sa Barangay Sisay sa bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P5 milyon na hinatak mula sa General Appropriations Act (GAA) 2023.

Ang proyekto ay bahagi ng support social services ng kagawaran sa mamamayan ng lalawigan na magkaroon ng malinis na inuming tubig at makatutulong sa environmental advocacy na bawasan at pigilin ang pagkalat ng plastic wastes sa kapaligiran.

Ang proyektong ipinatupad ng DPWH Region-9 sa Zamboanga Sibugay ay bahagi pa rin ng infrastructure flagship projects ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng kaniyang “Build, Better, More” development agenda. | ulat ni Lesty Cubol | RP Zaboanga

📸: DPWH Regional Office-9

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us