Kamakailan ay natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng isang riverwall structure na ngayon ay nagpoprotekta sa isang barangay na madaling makaranas ng pagbaha sa Gattaran, Cagayan.
Ayon sa DPWH Cagayan First District Engineering Office, tapos na ang bagong gawang 170-meter-long concrete revetment na may mga hexapod sa Barangay Casicallan.
Sinabi ni District Engineer Gumiran na ang natapos na flood-control structure na pinondohan sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA) ay natapos sa halagang P50 milyon. | ulat ni Mary Rose Rocero