Naharang ng NAVAL Forces Eastern Mindanao ang MB Queen Juhaya sa karagatan ng Sultan Kudarat, South Cotabato habang nagtatangkang magpuslit ng ₱8 milyong halaga ng sigarilyo.
Nagsasagawa ng territorial defense operations ang BRP Artemio Ricarte (PS37) ng Naval Task Force 71 noong Linggo nang maka-engkwentro ang naturang bangka.
Sa halip na tumugon sa radio challenge, tinangka ng MB Queen Juhaya na takasan ang BRP Artemio Ricarte na nagresulta sa “interception”.
Narekober ng mga tropa ang 527 master cases ng pinuslit na sigarilyo, at isang hindi rehistradong baril mula sa crew.
Ang anim na Pilipinong crew, kasama ang isang hindi dokumentadong Malaysian at ang narekober na ebidensya ay dinala sa Capt. Feranil Pier, Naval Station Felix Apolinario, Panacan, Davao City para i-turn over sa mga awtoridad. | ulat ni Leo Sarne
📷: NFEM