₱1-B na halaga ng mga proyekto sa patubig, nakumpleto na sa harap ng banta ng El Niño — LWUA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakumpleto na noong 2023 ang ₱1.045-billion na halaga ng mga proyektong patubig na makatutulong sa harap ng nararanasang El Niño.

Ayon kay Local Water Utilities Administration (LWUA) Administrator Vicente Homer Revil, kabilang dito ang walong  water supply projects na magbebenepisyo sa karagdagang 95,000 na mga kabahayan.

Katumbas ito ng 12% na pagtaas ng household coverage sa Local Water Districts sa buong bansa.

Ngayong 2024, nakatutok ang LWUA sa mga proyekto para maibsan ang epekto ng El Niño, lalo na ang access sa ligtas at murang suplay ng tubig.

Ito’y sa pamamagitan ng mga high-impact project gaya ng pagpapatakbo ng non-operational water districts, bulk water supply, at water treatment facilities.

Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na matiyak ang water security sa bansa.

Pinapangasiwaan ng LWUA ang nasa 533 water districts, sa may 648 na lungsod at bayan sa Luzon, Visayas, at Mindanao. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us