Ibinida ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na naging matagumpay ang kampanya kontra droga sa ilalim ng administrasyong Marcos sa pagkakasabat ng mga awtoridad ng kabuuang ₱10.8-bilyong pisong halaga ng iligal na droga noong nakaraang taon.
Ito ang inihayag ni Sec. Abalos sa kanyang mensahe sa tradisyonal na New Year’s Call ng mga opisyal ng kagawaran, kasama ang Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame kahapon.
Ayon sa kalihim, ang malaking halaga ng nakumpiskang iligal na droga ay resulta ng 44,000 anti-drug operations, kung saan naaresto ang mahigit 56,000 drug suspek.
Dahil dito, halos 28,000 barangay ang na-clear sa iligal na droga noong nagdaang taon.
Dagdag ng kalihim, mula simula ng administrasyong Marcos, ang pakikipagtulungan ng DILG sa Department of Justice ay nagresulta sa mahigit 121,000 conviction ng mga drug offender. | ulat ni Leo Sarne
📸: DILG