Pinawi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pangamba ng publiko sa posibilidad na umabot sa P50 ang pagtaas ng pasahe sa modern jeepney.
Ito ay kasunod ng pagpapatupad ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.
Paliwanag ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na “statistics impossible” ang pagtaya na ginawa ng isang commuter group dahil tiniyak niya sa publiko na hinding-hindi mangyayari ang labis na pamasahe.
Ayon kay Guadiz, kailangang magsagawa ng pag-aaral sa iba’t ibang sektor sa pagbuo ng mga projection ng pagtaas ng pamasahe.
Binigyang diin ng opisyal na ang mga pagtatasa tulad nito ay dapat na suportahan ng datos upang hindi magdulot ng alarma sa publiko, lalo na sa mga commuter. | ulat ni Diane Lear