Nahuli ng Philippine Navy ang isang motorized banca na may kargang ₱7-milyong pisong halaga ng ipinuslit na sigarilyo sa karagatan ng Maitum, Sarangani Province nitong Sabado.
Ayon kay Naval Forces Eastern Mindanao Commander, Commodore Carlos Sabarre, nagsasagawa ng Maritime patrol ang BRP Rafael Pargas (PC379) sa ilalim ng Naval Task Force 71 nang ma-intercept nila ang MB Al Amanah.
Nang inspeksyunin ang karga ng kahina-hinalang banka, nadiskubre ng mga tropa ang 280 master cases ng Fort at Berlin brand na smuggled na sigarilyo.
Agad na dinala ang nahuling bapor, kasama ang anim na Pilipinong tripolante sa RDEX Pier, Calumpang, General Santos City para sa kaukulang disposisyon
Ang nakumpiskang ipinuslit na sigarilyo ay tinurn-over naman sa Bureau of Customs. | ulat ni Leo Sarne
📸: NFEM