Nasa higit ₱91 million na halaga ng financial assistance ang iniabot ng Marcos administration sa mga dating rebelde at mga sumuko na nagbalik-loob sa pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) package ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Communications Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, nasa 1,119 na dating rebelde na kinabibilangan ng mga dating miyembro ng NPA at Militia ng Bayan ang nabigyan ng financial assistance as of November, 2023.
Upang mapalakas pa ang peacebuilding efforts ng mga lokal na pamahalaan, patuloy na ipatutupad ng DILG ang Communicating for Perpetual End for Extreme Violence and Forming Alliance Towards Positive Peace and Enriched Communities (C4PEACE) Program.
“The program utilizes two primary convergence mechanisms: the Retooled Community Support Program (RCSP) and the Capacitating Urban Communities for Peace and Development (CUCPD), which support and enhance LGU capabilities in addressing governance and development gaps, especially in conflict-affected and vulnerable communities.” — Secretary Garafil.
Base sa datos, ang mga local na opisyal mula sa 1,967 barangay ay naturuan ng National Action Plan upang pigilan at labanan ang violent extremism. | ulat ni Racquel Bayan