Helpline para sa mga OFW, pamilya nito na apektado ng lindol sa Japan, pinagana ng DMW

Pinagana ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang helpline para umalalay sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) gayundin sa mga pamilya nito. Ayon sa DMW, ito’y para umalalay sa mga naapektuhan ng magnitude 7.6 na lindol sa Ishikawa District sa Central Japan nitong umaga ng Bagong Taon, January 1. Batay sa abiso ng DMW,… Continue reading Helpline para sa mga OFW, pamilya nito na apektado ng lindol sa Japan, pinagana ng DMW

Regulasyon sa paggamit ng artificial intelligence sa sektor ng paggawa, ipinapanukala

Nais ng isang mambabatas na magkaroon ng malinaw na regulasyon sa paggamit ng artificial intelligence (AI) at automation systems sa labor industry. Sa inihaing House Bill 9448 o Protection of Labor Against Artificial Intelligence Automation Act ni Quezon City Representative Juan Carlos Atayde, pagbabawalan ang mga employer o recruitment entity na gumamit ng AI o automated system bilang basehan… Continue reading Regulasyon sa paggamit ng artificial intelligence sa sektor ng paggawa, ipinapanukala

Seguridad sa Traslasyon 2024, tiniyak ng PNP

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na puspusan ang paghahanda ng PNP para sa Traslasyon 2024 sa January 9. Ayon kay Fajardo, tuloy-tuloy na ipatutupad ng PNP ang maximum Police visibility at masusing pagbabantay sa ruta ng prusisyon ng Itim na Nazareno. Sinabi ni Fajardo… Continue reading Seguridad sa Traslasyon 2024, tiniyak ng PNP

3 pulis na sangkot sa illegal discharge of firearms bago magpalit ang taon, posibleng matanggal sa serbisyo — PNP

Nanganganib maalis sa serbisyo ang tatlong pulis na sangkot sa pagpapaputok ng baril bago tuluyang magpalit ang taon. Ito’y ayon sa Philippine National Police (PNP) kung mapatutunayang nagkaroon ng kapabayaan sa paggamit nila ng baril na labas sa kanilang pagganap sa tungkulin. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, isa sa… Continue reading 3 pulis na sangkot sa illegal discharge of firearms bago magpalit ang taon, posibleng matanggal sa serbisyo — PNP