Higit 129-milyong pasahero, naserbisyuhan ng MRT-3 noong 2023

Mayroong higit sa 129-milyon ang bilang ng mga pasaherong sumakay sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) noong 2023. Mas mataas ito ng 30% kung ikukumpara sa kabuuang 98.3-million ridership na naitala noong 2022. Tumaas rin ng higit 30% ang average daily ridership noong 2023 na umabot sa 357,198 mula sa 273,141 noong 2022. Samantala, naitala naman… Continue reading Higit 129-milyong pasahero, naserbisyuhan ng MRT-3 noong 2023

Bulkang Bulusan, mahigpit na binabantayan ng PHIVOLCS sa pagtaas ng seismic activity nito

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang ‘’increased seismic activity’’ sa Bulkang Bulusan habang inulit nito ang babala sa publiko na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer-radius danger zone. Nakapagtala ang ahensya ng 116 volcanic earthquakes simula alas-9 ng gabi noong December 29 ng nakaraang taon at ang pamamaga ng timog-kanluran at timog-silangan… Continue reading Bulkang Bulusan, mahigpit na binabantayan ng PHIVOLCS sa pagtaas ng seismic activity nito

Plano ng DA sa modernisasyon sa agri sector, ilalatag na sa susunod na linggo

Ngayong 2024, tina-target na ng Department of Agriculture (DA) na ilatag ang istratehiya mga nito na nakatuon sa modernisasyon sa agri sector gayundin sa pagpapaangat ng food production sa bansa. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kailangan nang matutukan ang food security sa bansa lalo’t may hamon ng El Niño. Mahalaga rin aniya… Continue reading Plano ng DA sa modernisasyon sa agri sector, ilalatag na sa susunod na linggo

Pagbibigay ng Guarantee Letter ng DSWD sa ilalim ng AICS program, nagpapatuloy na muli

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na muli na itong nagbibigay ng mga Guarantee Letter (GL) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Ito’y matapos ang ilang linggo ring suspensyon noong Disyembre habang ipinoproseso ang liquidation ng kanilang pondo para sa taong 2023. Ayon sa DSWD, simula nitong Martes,… Continue reading Pagbibigay ng Guarantee Letter ng DSWD sa ilalim ng AICS program, nagpapatuloy na muli

House Tax Chief, nanindigan na ligal ang ginawang pagtaas sa halaga ng unprogrammed appropriations sa 2024 budget

Iginagalang ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang ihahaing petisyon sa Korte Suprema tungkol sa pagtataas sa halaga ng unprogrammed funds sa 2024 National Budget. Aniya, normal na maghain ng petisyon sa Supreme Court ang sinoman na may kwestyon sa anomang batas at kasama na dito ang pambansang pondo. Ngunit ayon sa… Continue reading House Tax Chief, nanindigan na ligal ang ginawang pagtaas sa halaga ng unprogrammed appropriations sa 2024 budget

DMW, handang magbigay ng tulong pinansyal sa mga OFW na apektado ng malakas na lindol sa Japan

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na may sapat silang pondo para tulungan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na apektado ng Magnitude 7.6 na lindol sa Ishikawa Prefecture sa Japan. Ayon sa DMW, hindi tumitigil sa pakikipag-ugnayan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Embahada ng Pilipinas sa Tokyo para bantayan ang sitwasyon… Continue reading DMW, handang magbigay ng tulong pinansyal sa mga OFW na apektado ng malakas na lindol sa Japan

Biyahe ng PAL patungong Tokyo, Japan, nakaalis na matapos bahagyang naantala dahil sa nasunog na eroplano ng Japan Airlines sa Haneda Airport

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) na nakabiyahe na ang kanilang Flight PR424 patungong Tokyo sa Japan via Haneda Airport. Ito’y matapos pansamantalang masuspinde ang naturang biyahe dahil sa nasunog na eroplano ng Japan Airlines Flight 516 sa runway ng Haneda Airport, dahilan upang hindi muna ito tumanggap ng mga paparating na biyahe. Batay… Continue reading Biyahe ng PAL patungong Tokyo, Japan, nakaalis na matapos bahagyang naantala dahil sa nasunog na eroplano ng Japan Airlines sa Haneda Airport

Physical distancing, susubukang ipatupad ng PNP sa Traslasyon 2024

Susubukan ng Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang physical distancing sa mga “controlled areas” na pagdarausan ng Traslasyon 2024. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon. Ayon kay Fajardo, ito ang napag-usapan sa final coordinating meeting para sa ipatutupad… Continue reading Physical distancing, susubukang ipatupad ng PNP sa Traslasyon 2024

Suspek sa pananabang kay Lanao del Sur Gov. Adiong, arestado ng CIDG

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Capiz, Marawi City Police Station at Binalbagan Municipal Police Station sa Brgy. Aguisan, Himamaylan, Negros Occidental ang isa pang suspek sa pananambang kay Lanao Del Sur Governor Mamintal Adiong. Kinilala ni CIDG Director Police Major General Romeo Caramat ang suspek… Continue reading Suspek sa pananabang kay Lanao del Sur Gov. Adiong, arestado ng CIDG