Mga responsable sa malawakang power outage sa Panay Island, dapat panagutin

Dapat panagutin ang mga responsable sa malawakang power outage sa Panay Island. Ito ang binigyang-diin ni Iloilo 1st District Representative Janette Garin kasabay ng anunsyo na maghahain siya ng resolusyon para paimbestigahan ang insidente. Aniya kailangan managot ang mga indibidwal na hindi ginawa ang kanilang mandato kaya nawalan ng kuryente ang Guimaras Island, Iloilo, Antique,… Continue reading Mga responsable sa malawakang power outage sa Panay Island, dapat panagutin

Umano’y korapsyon sa Jeepney Modernization Program, nais paimbestigahan ni Speaker Romualdez

Target paimbestigahan ni Speaker Martin Romualdez ang mga impormasyong natanggap ng kanyang opisina na mayroon umanong korapsyon sa pagbalangkas at pagpaplano sa implementasyon ng Jeepney Modernization Program. Partikular aniya dito ang sabwatan sa pagitan ng dati at kasalukuyang transport officials para sa negosasyon ng imported modern jeep. Ayon kay Romualdez, kakausapin niya si House Committee… Continue reading Umano’y korapsyon sa Jeepney Modernization Program, nais paimbestigahan ni Speaker Romualdez

COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba na — OCTA

Naitala ng OCTA Research Group ang pagbaba sa 7-day positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa Metro Manila. Sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of January 2, ay bumaba sa 19.9% ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) mula sa… Continue reading COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba na — OCTA

Ilang jeepney driver/operator sa Anonas, nakahabol sa deadline ng franchise consolidation noong Disyembre

May ilang jeepney driver/operator sa Anonas, Quezon City ang nakapag-consolidate bago matapos ang deadline ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na December 31. Kabilang dito si Mang Rommel na December 31 din nagsumite ng aplikasyon sa LTFRB. Ayon sa kanya, nagdesisyon siyang humabol sa franchise consolidation dahil natatakot na hindi na makabiyahe pa… Continue reading Ilang jeepney driver/operator sa Anonas, nakahabol sa deadline ng franchise consolidation noong Disyembre

Ulat na posible umanong lumobo hanggang ₱50 ang minimum na pasahe sa Jeepney, walang batayan — DOTr

Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) na walang batayan ang mga lumalabas na pag-aaral na magreresulta sa paglobo ng pamasahe sa pampublikong sasakyan ang hakbang na bigyan ng ligtas at kumportableng biyahe ang mga Pilipino. Ito ang tugon ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa pahayag ng IBON Foundation na posibleng lumobo pa sa ₱40 hanggang… Continue reading Ulat na posible umanong lumobo hanggang ₱50 ang minimum na pasahe sa Jeepney, walang batayan — DOTr

AFP, PNP, muling tiniyak ang kanilang katapatan kay Pres. Marcos Jr. bilang kanilang Commander-in-Chief

Kapwa inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang buong katapatan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr bilang kanilang Commander-in-Chief. Ito’y matapos kumalat sa social media ang video post ni retired Brigadier General Johnny Macanas Sr. na nagpahayag na umano ng suporta sina AFP Chief of Staff… Continue reading AFP, PNP, muling tiniyak ang kanilang katapatan kay Pres. Marcos Jr. bilang kanilang Commander-in-Chief

Paghahanda ng NCRPO sa Traslacion 2024, pasado sa PNP Chief

Nagpahayag ng kasiyahan si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa preparasyong ginawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa Traslacion 2024 sa darating na January 9. Ito ang inihayag ng PNP chief, matapos i-report sa kanya ng NCRPO na nakahanda na ang kanilang hanay para sa okasyon, na… Continue reading Paghahanda ng NCRPO sa Traslacion 2024, pasado sa PNP Chief

Ikalawang Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas at U.S., matagumpay — AFP

Maayos na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Indo-Pacific Command ang kanilang ikalawang Maritime Cooperative Activity (MCA) sa West Philippine Sea. Ito ang inahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad sa pagtatapos kahapon ng dalawang araw na aktibidad. Ayon kay Col. Trinidad, naipakita sa aktibidad ang kakayahan at… Continue reading Ikalawang Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas at U.S., matagumpay — AFP