Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang tatlong bilyong dolyar na personal remmitance para sa buwan ng Nobyembre 2023.
Nagdala ito sa $33.6-billion US dollars na 11-month remittance, mula January to November 2023, mas mataas ng 2.9 percent kumpara noong nakaraang taong 2022.
Ayon sa BSP ang paglago ng personal remittance ay mula sa landbase workers na may kontrata na higit sa isang taon at ang mula sa sea and land-based workers na may kontrata na hindi aabot ng isang taon.
Ang cash remittance naman mula sa mga overseas Filipinos na idinadaan sa mga registered banks ay tumaas ng 2.8 percent.
Ang bulk ng cash remittances ay mula sa bansang Amerika, Saudi Arabia, at Singapore. | ulat ni Melany Valdoz Reyes