Taguig LGU, nagtalaga ng libreng Help Desk at shuttle services sa 10 Embo barangays

Upang tugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga Taguigeño mula sa Embo barangays, nagtalaga ang Lungsod ng Taguig, sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay, ng mga medical Help Desks sa mga piling lugar ng bawat barangay sa Embo. Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, layon nito na agarang makaresponde sa anumang klase ng… Continue reading Taguig LGU, nagtalaga ng libreng Help Desk at shuttle services sa 10 Embo barangays

House panel chair, naniniwalang ang buong energy stakeholder ang may pananagutan sa Panay Island blackout

Para kay House Committee on Energy Chairperson Lord Allan Velasco, hindi iisang ahensya ang dapat sisihin sa nangyaring malawakang blackout sa Panay Island. Para sa mambabatas, ang kabuuan ng energy sector ang may pananagutan sa nagyaring island-wide power outage. Dapat aniyang maghigpit pa ang energy regulators sa susunod na mangyari ito ay tiyak nang may… Continue reading House panel chair, naniniwalang ang buong energy stakeholder ang may pananagutan sa Panay Island blackout

Red Cross, nagpaabot ng tulong sa mga residente ng Bacolod City na apektado ng water interruption

Nagpadala ng water tanker ang Philippine Red Cross (PRC) sa Brgy. Mandalagan sa Bacolod City na apektado ng malawakang water interruption sa lugar. Dahil dito, nakapagsilbi ang Red Cross sa may 600 kabahayan na apektado ng kawalang suplay ng tubig na nagsimula pa noong January 4. Aabot sa 22,000 litro ng tubig ang unang naisilbi… Continue reading Red Cross, nagpaabot ng tulong sa mga residente ng Bacolod City na apektado ng water interruption

Bentahan ng manok sa Marikina Public Market, nananatiling matumal kahit malalaki ang sukat nito

Umaasa ang mga nagtitinda ng manok sa Marikina Public Market na gumanda ang kanilang benta sa mga susunod na araw. Ito’y dahil sa magaganda at malalaki ang ibinebenta nilang mga manok na kung tawagin ay “oversized.” Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng mga nagtitinda na kaya malalaki ang manok na kanilang ibinebenta ay dahil… Continue reading Bentahan ng manok sa Marikina Public Market, nananatiling matumal kahit malalaki ang sukat nito

Recto, malaki ang maitutulong bilang bagong Finance chief para mapaunlad pa ang bansa

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na malaki ang maitutulong ni Deputy Speaker at Batangas Representative Ralph Recto sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapabuti ang kalagayan ng bansa. Kasunod ito ng pagkakatalaga kay Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance (DOF). “Warmest congratulations to former Senator and current Deputy Speaker… Continue reading Recto, malaki ang maitutulong bilang bagong Finance chief para mapaunlad pa ang bansa

4 na baybayin sa bansa, apektado pa rin ng red tide

Nananatiling positibo sa “red tide toxin” ang apat na baybayin sa bansa. Sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), umiiral pa rin ang “shellfish ban” sa baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Lianga Bay sa Surigao del Sur; at coastal waters ng… Continue reading 4 na baybayin sa bansa, apektado pa rin ng red tide

24/7 Disaster Response Command Center at ‘Buong Bansa Handa’ Project, ilulunsad ng DSWD ngayong araw

Bilang bahagi ng ika-73 taong anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay ilulunsad ngayon ang 24/7 Disaster Response Command Center (DRCC) at Buong Bansa Handa Project ng kagawaran. Pangungunahan ito mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa DSWD Central Office ngayong araw. Ayon kay DSWD… Continue reading 24/7 Disaster Response Command Center at ‘Buong Bansa Handa’ Project, ilulunsad ng DSWD ngayong araw

House Tax chief, kumpiyansang mas mabilis uusad ang mahahalagang tax reform laws sa pamumuno ng bagong Finance secretary

Ikinalugod ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang pagkakapili kay Deputy Speaker Ralph Recto bilang bagong secretary ng Department of Finance (DOF). Sa isang mensahe, nag-abiso ang Presidential Communications Office (PCO) na ngayong araw, January 12, nakatakdang manumpa si Recto bilang bagong kalihim ng DOF, kasama si Frederick Go na itinalaga naman… Continue reading House Tax chief, kumpiyansang mas mabilis uusad ang mahahalagang tax reform laws sa pamumuno ng bagong Finance secretary

Senate President Zubiri, kumpiyansa sa kakayahan ng bagong talagang kalihim ng DOF

Welcome kay Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagkakatalaga kay dating Senador Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance (DOF). Pinunto ni Zubiri na sa Senado noon ay itinuturing nila si Recto bilang kanilang resident numbers genius. Hindi lang aniya ito dahil sa kanyang mathematical ability kundi mas lalo dahil sa kanyang abilidad… Continue reading Senate President Zubiri, kumpiyansa sa kakayahan ng bagong talagang kalihim ng DOF

NTC, masusing nirerebyu na ang inihaing mga mosyon ng SMNI

Tiniyak ng National Telecommunications Commission (NTC) na masusi na nitong pinag-aaralan ang mga mosyong inihain ng Sonshine Media Network International (SMNI). Kabilang dito ang mosyong mag-inhibit sa paghawak ng kaso sina NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, at Deputy Commissioner Alvin Bernard Blanco. Naghain din ito ng Motion for Bill of… Continue reading NTC, masusing nirerebyu na ang inihaing mga mosyon ng SMNI