Tumanggap ng solar home system mula sa lokal na pamahalaan ang labing apat na kababaihang itinutring na women in especially difficult circumstances o WEDC sa Lopez, Quezon.
Ayon sa opisyal na pabatid ng LGU, maliban sa pailaw, ang solar home system ay magagamit din ng mga benepisyaryo sa pang pangangailang pang-kuryente sa kanilang tahanan at negosyo.
Bahagi anila ito ng Agenda No. 6 ni Mayor Rachel A. Ubana na nakatuon sa livable and safe spaces infrastructure.
Samantala, labingdalawang piling benipisyaryo na nagmula naman sa sektor ng senior citizens, persons with disabilities, solo parents at kababaihan ang kabilang sa huling grupo sa taong 2023 na nakatanggap ng tig-lilimang libong piso na seed capital assistance.
Ang programang ito ay bahagi ng Agenda No. 4 Education, Employment and Economic Advancement, kung saan binibigyan ng panimula o dagdag-puhunan ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayang nais magkaroon ng maliit na pagkakakitaan o negosyo. | ulat ni Carmi Isles | RP1 Lucena