Sinimulan na ng Manila Police District (MPD) ang paglalatag ng seguridad para sa nalalapit na Fiesta ng Quiapo.
Sinabi ni MPD Director Colonel Arnold Thomas Ibay, nasa 15,000 mga pulis ang ipapakalat sa buong Maynila para tiyakin ang seguridad ng mga deboto.
Maaga na rin nilang sisimulan ang paglalagay ng mga checkpoint para tiyakin ang kaligtasan ng mga mananampalataya.
Samantala, inatasan naman ni National Capital Region Police Office Director General Melencio Nartates, tutulong din ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagbibigay ng seguridad sa Fiesta ng Quiapo.
Ipinagbabawal na rin ng MPD sa mga deboto ang pagdadala ng mga backpack, pagsusuot ng sumbrero, mga matatalim na bagay o anumang armas.
Sa pagtaya ng pulisya, nasa dalawang milyon na mga deboto ang maaaring makilahok sa gagawing Traslacion ngayong taon.
Ito kasi ang kauna-unahang Traslacion na gagawin matapos ang tatlong taon na pandemic na dinanas ng mundo. | ulat ni Michael Rogas