26 mapang-abusong kawani ng BIR, suspendido na

Sinuspinde na ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., ang 26 na kawani ng ahensya. Kaugnay pa rin ito ng nagpapatuloy na crackdown ng BIR laban sa mga mapang-abusong kawani ng ahensya. Ayon sa BIR, 18 sa mga ito ang naka-preventive suspension habang may hinaharap na formal charges, 5 kawani naman ang… Continue reading 26 mapang-abusong kawani ng BIR, suspendido na

Pagpaparangal ng Pangulo sa mga unit ng VISCOM, ‘morale booster’ sa mga tropa — VISCOM commander

Nagsisilbing motibasyon at morale booster sa mga tropa ng Visayas Command (VISCOM) ang pagkilala ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang mga accomplishment laban sa NPA. Ito ang inihayag ni VISCOM Commander Lt. General Benedict Arevalo matapos gawaran ng Pangulong Marcos Jr. ng campaign streamer ang apat na unit ng VISCOM para sa kanilang tagumpay… Continue reading Pagpaparangal ng Pangulo sa mga unit ng VISCOM, ‘morale booster’ sa mga tropa — VISCOM commander

Laban sa NPA, sisikaping tapusin ng AFP ngayong taon

Pagsisikapan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tapusin ang laban kontra sa NPA sa taong ito. Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa AFP Command Conference kahapon sa Camp Aguinaldo na pinangunahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang pahayag ng AFP Chief ay kasunod ng pagkumpirma sa… Continue reading Laban sa NPA, sisikaping tapusin ng AFP ngayong taon

11-month remittances tumaas ng  2.8% o $33.6-B — BSP

Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang tatlong bilyong dolyar na personal remmitance para sa buwan ng Nobyembre 2023. Nagdala ito sa $33.6-billion US dollars na 11-month remittance, mula January to November 2023, mas mataas ng 2.9 percent kumpara noong nakaraang taong 2022. Ayon sa BSP ang paglago ng personal remittance  ay mula sa… Continue reading 11-month remittances tumaas ng  2.8% o $33.6-B — BSP

Bagong Finance Chief, hiningi ang suporta at pagkakaisa ng kagawaran upang maisakatuparan ang hangarin na paglago ni PBBM

Aminado ni Finance Secretary Ralph Recto na maituturing niyang isang karangalan at hamon na sundan ang nasimulan ni dating Finance Secretary at ngayon ay Monetary Board Member Benjamin Diokno. Aniya ang mga nagawa ni Diokno sa bansa ay kapuri-puri at kumpiyansa siyang ipagpapatuloy pa nito ang pag-ambag upang maiangat ang kapakanan ng bansa. Positibo si… Continue reading Bagong Finance Chief, hiningi ang suporta at pagkakaisa ng kagawaran upang maisakatuparan ang hangarin na paglago ni PBBM

QC local gov’t, naka-monitor sa transport caravan ng grupong MANIBELA

Nakatutok na ang Quezon City Local Government sa sitwasyon sa mga kalsada sa lungsod ngayong may transport caravan ang grupong MANIBELA. Ayon kay QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) OIC Dexter Cardenas, inatasan na nito ang mga enforcer na bantayan ang daloy ng trapiko sa mga lugar na dadaanan ng protesta kabilang ang bahagi… Continue reading QC local gov’t, naka-monitor sa transport caravan ng grupong MANIBELA

BI, patuloy ang modernisasyon sa kanilang eTravel system para sa inaasahang dagsa ng mga turista

Patuloy na isinasagawang modernisasyon ng Bureau of Immigrations sa eTravel System nito dahil sa inaasahang dagsa ng mga dayuhang turista ngayong taon. Ayon kay Bureau of Immigrations Commissioner Norman Tansingco, patuloy ang kanilang paghahanda sa pagmodernisa ng sistema sa borderr control lalo na’t inaasahan ng Department of Tourism ang pagdagsa ng mga dayuhang turista sa… Continue reading BI, patuloy ang modernisasyon sa kanilang eTravel system para sa inaasahang dagsa ng mga turista

Maling pagsasalarawan sa kasaysayan ng BARMM sa isang pagtatanghal sa Sinulog Festival, ikinalungkot ng isang mambabatas

Ikinalungkot ni Basilan Representative Mujiv Hataman ang aniya’y maling paglalarawan sa kasaysayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pagtatanghal ng Cebu Technological University (CTU) sa Sinulog festival. Ayon sa mambabatas, kapuri-puri naman ang hangaring ipakita ang iba’t ibang kultura ng mga rehiyon sa bansa, ngunit ito aniya ay dapat makatotohanan. Sa naturang… Continue reading Maling pagsasalarawan sa kasaysayan ng BARMM sa isang pagtatanghal sa Sinulog Festival, ikinalungkot ng isang mambabatas

Nabalam na delivery ng school supplies ng Transpac Cargo, 99% nang tapos

Iniulat ni Education Usec. Michael Poa sa House Committee on Basic Education and Cultrue na 99.05% nang nailipat ng Transpac Cargo ang mga nabalam na learning materials patungo sa iba’t ibang DepEd division offices. Nagpatawag ng briefing ang komite para alamin ang estado ng bilyong pisong halaga ng learning materials na hindi agad nai-deliver ng… Continue reading Nabalam na delivery ng school supplies ng Transpac Cargo, 99% nang tapos

Malaysian gov’t, handang makipagtulungan sa Pilipinas sa usapin ng connectivity at cybersecurity

Bukas ang bansang Malaysia na palawakin ang kooperasyon nito sa Pilipinas pagdating sa usapin ng connectivity, digital government, at cybersecurity. Kasama ito sa naging diskusyon sa pulong nina Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy at Malaysian Ambassador to the Philippines H.E. Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino at kanyang delegasyon. Ayon… Continue reading Malaysian gov’t, handang makipagtulungan sa Pilipinas sa usapin ng connectivity at cybersecurity