18 Pilipinong tripolante na kinubkob sa Gulf of Oman, nakatakdang bisitahin ng ambassador ng Pilipinas sa Iran —DFA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa gobyerno ng Iran para mapalaya ang 18 tripolanteng Pilipino na lulan ng isang oil tanker na kinubkob kamakailan sa Gulf of Oman.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega, nakatakdang bisitahin sa darating na weekend ng Embahada ng Pilipinas sa Iran ang mga nasabing Pilipino na nasa bahagi ngayon ng Tehran.

Kaugnay nito, nilinaw ni De Vega na hindi armadong grupo kundi mismong mga tauhan pala ng Iranian Navy ang kumubkob sa oil tanker na St. Nicholas.

Aniya, may koneksyon ito sa court order ng gobyerno ng Iran dahil ang naturang barko ay ginamit noon para maghatid ng langis sa ibang bansa kahit merong export ban.

Gayunman, sinabi ni De Vega na siniguro sa kanila ng gobyerno ng Iran na agad reresolbahin ang problema dahil itinuturing nilang kaibigan ang Pilipinas.

Samantala, sa ngayon ay nasa maayos naman umanong kondisyon ang mga nabanggit na Pilipino. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us