Nasa mabuti nang kalagayan ang nasa 18 OFWs na lulan ng oil tanker na nasamsam ng bansang Iran sa Oman kamakailan.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega, nasa mabuting kalagayan na ang mga Pilipinong tripolante ng naturang barko at nakikipag-ugnayan na ang DFA upang mapalaya at makabalik na ng bansa ang mga Pilipinong marino.
Dagdag pa ni De Vega na nakipag-ugnayan na rin sila sa pamilya ng mga Pinoy seafarares upang hindi na mangamba ang mga ito sa sitwasyon ng kanilang mga kaanak.
Samantala, pansamantalang nasa kustodiya ng Iran ang 18 Pilipinong mandaragat, habang inaasikaso ng pamahalaan ang kanilang pag-uwi sa Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio
📸: PNA