Naaresto ng National Bureau of Investigation ang dalawang indibidwal sa Lala, Lanao Del Norte dahil sa ‘online sexual exploitation of children’.
Ayon sa NBI-Anti Human Trafficking Division, patung-patong na kaso ang kakaharapin ng mga nahuling indibidwal na nasa kanila nang kustodiya.
Nag-ugat ang kaso mula sa impormasyong ibinigay ng National Crime Agency (NCA) sa pamamagitan ng Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC).
Isang skype user umano ang sinasabing umaabuso sa kaniyang dalawang menor de edad na anak sa pamamagitan ng online shows kapalit ng kabayaran.
Matapos ang serye ng surveillance operations ng NBI, dinakip ang ina at kaniyang common law partner habang ni-rescue naman ang dalawang anak na menor de edad. | ulat ni Rey Ferrer