2 Pilipinong naaresto sa Japan na naakusahan ng abandonment sa labi ng 2 Hapon, patuloy na binibigyan ng legal assistance – DFA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bibigyan ng legal assistance ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang dalawang Pilipinong naakusahan ng abandonment sa labi ng dalawang mag-asawang Japanese national kamakailan.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega, na hindi pa akusado sa pagpatay sa mag-asawang Hapon ang isang Pinay na inaresto sa Japan dahil wala pang ebidensyang magpapatunay sa pagkamatay ng dalawang mag-asawang Hapon.

Ibig sabihin kapag may nakitang patay na tao na iniwanan lang at hindi ni-report sa pulis, puwede itong kasuhan ng abandonment dahil maaaring kasabwat ito sa pagpatay pero hindi ibig sabihin na murder case.

Dagdag pa ni de Vega, handa rin ang DFA na magbigay ng legal assistance sa Pinay sa korte at kailangan ng defense lawyer kung saan gastos ito ng ating pamahalaan kung kinakailangan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us