Target na makahikayat ng 200,000 participants ang inaasahang dadalo sa Bagong Pilipinas Kick-Off Rally bukas sa Quirino grandstand sa lungsod ng Maynila.
Sa media forum, hinikayat pa ni Presidential Communication Office Director Cris Villonco ang publiko na lumahok sa malaking pagtitipon.
Alas-10:00 pa lang ng umaga, may mga kaganapan na sa Quirino grounds at pagsapit ng ala-1:00 ng hapon, pasisimulan na ang programa.
Maaaring ma-avail ng mga mamamayan ang Social Services sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at iba pang concerns kaugnay sa government agencies.
Hindi aniya mawawala ang entertainment programs na katatampukan ng mga talent at artists kasama ang Aegis, Andrew E. at iba pa.
Sa panig ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nanawagan ito sa mga motorista na iwasan ang Rizal Park at lahat ng daan papunta sa event bukas.
Maaaring gamitin muna ang mga alternate routes kabilang ang EDSA o di kaya ay C5 para sa kanilang biyahe.
Bukas naman sa publiko ang pagpunta sa grandstand para dumalo sa pagtitipon. Pagtitiyak pa ng MMDA na may traffic advisory na silang nakahandang ipatupad sa bahagi ng Maynila. | ulat ni Rey Ferrer