2023, patunay sa dedikasyon ng mga Pilipino sa pag-unlad, pagkakaisa, paglilingkod; 2024 magiging mas masagana — Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatunayan ng mga Pilipino sa taong 2023 ang dedikasyon para sa pag-unlad, pagkakaisa, at paglilingkod, ayon kay Speaker Martin Romualdez.

Sa kaniyang New Year’s message, sinabi ng lider ng Kamara na ang mga tagumpay na nakamit sa nakalipas na taon ay natatangi at ang naging papel ng bawat isa upang makamtan ito ay mahalaga para mapabuti ang kalagayan ng bawat Pilipino.

“As we stand on the threshold of a New Year, I find myself reflecting with a heart filled with gratitude and hope on the transformative journey we, the Filipino people, have embarked upon in 2023. This year has been a milestone, a testament to our shared dedication to progress, unity, and service,” ani Speaker Romualdez.

Nagpasalamat din ang House Speaker sa mga kapwa mambabatas sa kanilang dedikasyon at pangako na makibahagi sa tagumpay ng lehislatura, hindi lamang sa pagbuo ng kinakailangang polisiya kundi sa pagpapalakas din ng demokrasya.

Hinimok naman ni Romualdez ang lahat na maging positibo sa pagharap sa Bagong Taon at ipagpatuloy ang pagkakaisa upang maisakatuparan ang pangarap ng bawat Pilipino.

Kumpiyansa din si Speaker Romualdez na magiging masagana ang hinaharap ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“I wish every Filipino a Happy New Year. May this year bring us closer to realizing our national aspirations. Let’s continue to uphold the spirit of unity and service in the days to come. Mabuhay ang Pilipinas!” sabi pa nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us