Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi na ito magsasagawa ng 2024 Summer Metro Manila Film Festival.
Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA Acting Chairman at MMFF concurrent overall Chairman Atty. Don Artes, na ito ay dahil gustong tutukan ng MMDA ang 50th edition ng MMFF sa Disyembre.
Nauna rito ay nagkausap naman ang MMDA at ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) kung saan iminungkahi ni Artes kay FDCP Chairman Tirso Cruz III na sa halip na Summer MMFF ay maaaring magkaroon ng Pista ng Pelikulang Pilipino para maipagpatuloy ang momentum ng 2023 MMFF.
Tiniyak naman ng opisyal ang suporta ng MMFF sakaling magsagawa ang FDCP ng Pista ng Pelikulang Pilipino.
Naglabas naman ng pahayag ang FDCP na kailangan pag-aralang mabuti ang mungkahi ni Artes dahil sa kakulangan ng pondo at hindi rin kasama ito sa mga programa ng ahensya para sa 2024.| ulat ni Diane Lear