Tiniyak ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na hindi maaapektuhan ng anumang plebisito ang 2025 elections.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinagot ng opisyal ang ilang posibilidad hinggil sa plebisito na may kaugnayan sa People’s Initiative.
Dito ay ipinaliwanag ni Garcia na premature pa sa ngayon ang naturang diskusyon dahil wala pang isinusumiteng petisyon ang grupong PIRMA na siyang nasa likod ng People’s Initiative.
Aniya nakadepende ang magiging aksyon ng Comelec kung kailan maisusumite ang petisyon pero tiniyak nito na gagawin ng Comelec ang lahat para hindi maapektuhan ng anumang aktibidad ang 2025 national and local elections. | ulat ni Lorenz Tanjoco