Malugod na tinanggap ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa pangunguna ng Chairman nito na si Silvestre Bello III ang 20,000 sako ng donasyong bigas na mula sa Taiwan.
Sinasabing ang mga donasyon ay mapupunta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong suportahan ang mga nangangailangan, mga pinakamahihirap na pamilya, at biktima ng kalamidad sa bansa.
Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si MECO Chairman Bello dahil sa malaking epekto ng donasyon na ito sa mga mababahagiang pamilya.
Ang 20,000 sako ng donasyong bigas ay bahagi lamang ng 40,000 sako na tulong mula sa Taiwan. Habang ang nalalabing iba pa ay inaasahang maipadadala rin sa bansa sa lalong madaling panahon.
Sa ngayon ay nasa kamay na ng DSWD ang sako-sakong bigas upang ipamahagi sa mga itinalagang benepisyaryo ng kagawaran.| ulat ni EJ Lazaro