Pinanungahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng 24/7 Disaster Response Command Center (DRCC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw (January 12), kasabay ng ika-73 anibersaryo ng departamento.
Ang DRCC ang magsisilbing central hub ng tanggapan para sa disaster monitoring, reporting, at coordination ng kahandaan at response efforts ng mga opisina ng DSWD, tuwing mayroong sakuna.
Sabi ni Pangulong Marcos ngayong 2024, mas malaki ang budget ng DSWD, kaya’t mas lumalawak ang mandato na dapat nitong punan.
Dapat aniyang pag-ibayuhin ng tanggapan ang paggampan sa kanilang mandato na mayroong kaakibat na pagmamalasakit sa kapwa at pag-unawa.
Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat ang Pangulo sa mga kawani ng tanggapan, na aniya ay bayani, dahil sa kritikal na papel na kanilang ginagampanan, mapa-disaster response man, pagtugon sa kahirapan, kagutuman, at pagpapatupad ng mga programa para sa edukasyon, mga nakatatanda, street dwellers, at iba pang kabilang sa vulnerable sector. | ulat ni Racquel Bayan
📷: PCO