Sinuspinde na ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., ang 26 na kawani ng ahensya.
Kaugnay pa rin ito ng nagpapatuloy na crackdown ng BIR laban sa mga mapang-abusong kawani ng ahensya.
Ayon sa BIR, 18 sa mga ito ang naka-preventive suspension habang may hinaharap na formal charges, 5 kawani naman ang sinuspinde bilang penalty habang may 3 pa ang pending at nakatakda ring masuspinde.
Iba’t ibang reklamo ang kinahaharp ng mga nasuspindeng kawani kabilang ang grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, paglabag sa office rules at regulations, paglabag sa Anti-Red Tape Act of 1997 at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Una na ring sinabi ni Commissioner Lumagui na titiyakin nitong sa ilalim ng kaniyang pamumuno ay maitataguyod nito ang integridad sa institusyon.
“The suspension of 26 BIR officials shows our commitment to the Filipino people. You deserve only the best in public service. The BIR will continue to create a culture of professionalism and integrity under my watch”, Commissioner Lumagui. | ulat ni Merry Ann Bastasa